
May mga tao na pinili nilang mag-isa sa buhay nila. Pinili nilang maglakad ng walang kasama, manood ng sine na nag-iisa, kumain sa pandalawahang lamesa na mag-isa, matulog sa kama na mag-isa pa din at hayaang pumuti ang buhok na walang inaasahang isang lalaki na makakamiss sa kanila kapag pumanaw na sila. Ang lungkot.
Noong bata pa ako nangarap ako ng isang lalaki na aking makakasama sa paglalakad, kasabay na tatawa sa panonood ng sine, kasabay na kakain sa pandalawahang lamesa, katabi sa pagtulog sa gabi at sa pagputi ng aking buhok ay may makakasama ako. Iyon ang pangarap ko.
Heto ako, natutupad ang mga pangarap. Ang sarap ng pakiramdam. Nais ko ng pag-ibig, heto at nasa harapan ko na. Hindi ko ito hahayaan mawala o masira ng kahit sino. Mayroon akong kakayahang ingatan ito at protektahan. Gagawin ko iyon habang nabubuhay ako. Aja!
Pero syempre hindi naman puro sarap ang pag-aasawa. Minsan dumadating ang tampuhan. Tampururot pa naman ako, buti na lang at walang sawa sa pagsusuyo ang asawa ko.
*Huwag matutulog na hindi na aayos ang tampuhan!
Natuto na rin akong maging mapagbigay.
Tulad sa panonood ng TV. Sa gabi, siya na ang hari ng REMOTE CONTROL. Hindi na ako nakikialam para walang gulo. Isa lang kasi TV namin. Kung ano gusto nyang panoorin join na rin ako. Sa totoo lang sa simpleng bagay nagsisimula ang malaking hindi pag-kakaunawaan sa mag-asawa kaya heto at natututo akong maging mapagbigay sa remote control. Sige na, siya na ang hahawak noon at makikinood na lang ako tutal type ko din ang mga shows na gusto nya. Buti na lang! ^_^

Nagkaroon ako ng effort na alamin ang mga pagkaing gusto nya. Gusto nyang mag-diet dahil tumataba siya. Pwes, SOUTH BEACH DIET KAMI! As in join ako dahil masarap naman pala. Pero kinakain ko pa rin ang mga pagkain gusto ko kahit wala sa diet.
Bumili siya ng mga cookbooks about SOUTH BEACH DIET hayun at niluto ko ang mga gusto namin.
Suporta. Tama. Natutuhan ko ang pagsuporta sa gusto ng asawa ko. Kahit medyo maraming chechebureche sa pagluluto…minahal ko ang gawaing iyon dahil alam ko na gusto iyon kainin ng asawa ko.
Bar. Hindi ako mahilig lumabas o mag-bar. Pero dahil sa asawa ko… pinipilit kong gawin. Pakikisama. Importante iyon. Sumasama siya sa mga Filipino friends ko dito kaya nakikisama din ako sa mga Amerikano na friends din nya. GIVE AND TAKE LANG YAN.
Natuto akong makinig. Lalo na kapag naka-inom… ang daldal. Pero cute naman ang dating nya. Sa sobrang daldal natatawa na lang ako. Pero minsan gusto ko nang takpan ang tenga ko…hehehe… ganun ata lahat ng lalaki kapag nalalasing nagiging instant announcer.
Sobrang sweet niya. Sosorpresahin na lang ako ng bulaklak o kahit anong romantic na bagay na sa TV ko lang napapanood. Tinupad nya ang pangarap kong pag-ibig, naks!

Sa loob ng isang taon… natutuo akong maging mabuting asawa. Iniiwasan ko ang mga bagay na kinaiinis nya o ayaw nya para walang gulo. At natutuwa naman ako dahil ganun din ang ginagawa niya. Pinapasaya nya ako sa bawat araw na magkasama kami at kung may pagtatampuhan… inaayos namin iyon bago matulog.
MASAYANG-MASAYA AKO! ANG PAG-AASAWA AY PARANG PAARALAN, BAWAT ARAW AY MAY NATUTUTUHAN AKO. hINDI AKO MAGSASAWANG MATUTO AT UMIBIG! NAKS!

Isang taon na kaming kasal kahapon… May 24, 2009. Ang sarap ng pakiramdam at may isang tao na nakatagal sa ugali ko at natagalan ko din ang ugali niya…hehehe COMPATIBLE KASI KAMI! Salamat din sa Diyos na sentro ng relasyon namin at gumagabay sa amin upang maintindihan namin na kailangan palaging nagbibigayan ang mag-asawa at palaging i-intindihin ang damdamin at pangangailangan ng bawat-isa. Natutuhan ko lamang ang mga bagay na iyon sa loob ng ISANG TAON.

Ako ang ang aking gwapong asawa. ^_^ May 24, 2009.

Bagong Puna